Malaking porsyento ng badyet ng pamilya
ang napupunta sa pagkain. Dahil dito, kailangang
maging matalino sa mga gastusing pangkusina.
Narito ang ilang tips ukol dito:
•
Gumawa ng plano kung ano ang kakainin
ng pamilya para sa buong linggo. Makatutulong
ito sa paghahanda ng listahan ng mga bibilhin
sa palengke o grocery.
•
Bumili ng mga napapanahong gulay at prutas
dahil tiyak na mas mura ang mga ito. Bilhin lang
din kung ano ang kinakailangan. Huwag maging
takaw-tingin at iwasan ang impulse buying.
•
Sinupin ang mga pinamili. Tiyaking maayos
na naitabi ang mga pagkain maging sa freezer
man, chiller, o mga kabinet.
•
Iwasang labis na mapuno ang refrigerator.
Napupwersa kasi ang appliance na higit pang
magtrabaho na nagiging sanhi upang madali
itong masira
Palamigin muna ang pagkain bago itabi sa
refrigerator. Mas nagtatrabaho kasi ang makina
ng appliance kung papasukan ito ng mainit
na pagkain.
•
Magsaliksik ng mga ulam na hindi matagal iluto.
Sa ganitong paraan, mas makatitipid ng gasul
o kuryente.