Marapat na maging maingat at matalino ang lahat
upang hindi maloko lalo na sa modus operandi
na gumagamit ng text messaging. Narito ang ilang
mga paalalang dapat tandaan:
•
Napakaliit ng posibilidad na manalo ng malaking
premyo kung walang sinasalihang promo o raffle.
Kung may magte-text na nagsasabing nanalo
ng premyo, tiyakin muna kung may sinalihang
contest o raffle.
•
Tandaan na telegrama ang ginagamit upang
ibalita ang pagkapanalo at hindi text. Kung
ang premyo ay cash o pera, lalo na at malaking
halaga, laging sa sulat o telegrama ipinaaabot
sa nanalo ang balita at hindi sa isang text lamang.
•
Tingnan kung special number ang ginamit
na pantext. Kung isang organisasyon ang
nagsagawa ng paripa, dapat special number
ang gamit nito tulad ng mga 3- o 4-digit number
na ginagamit ng mga telecommunication firms.
Kung karaniwang 11-digit number ang ginamit,
paniguradong isa lamang iyang scam.
•
Iwasang magbigay ng mahahalagang impormasyon.
Halimbawa nito ay ang buong pangalan, tirahan,
trabaho, kaarawan, edad, at mga bank account.
Maaari itong gamitin upang makapanloko ng iba
pang mga tao