Ang negosasyon ay isang mahalagang elemento
sa negosyo kaya naman marapat na paunlarin
ang ganitong kakayahan. Narito ang ilang payo:
•
Surprise. Asahang hihingi ng malaking diskwento
ang kausap sa negosasyon kaya naman
sorpresahin sila sa agad na pagbibigay
ng malaking diskwento. Makapagdudulot ito
ng “impulse” upang dali-daling makipag-deal.
Ang tawag dito ay counter-offer technique.
•
Summary. Natural lamang para sa mga kausap
ang patuloy na magduda at kumontra. Kaya
naman bilang isang sales professional,
hindi dapat magsawang ipaliwanag ang mga
benepisyong maaaring makuha sa produktong
inaalok. Dapat ay nakabuod o summarize
na ang mga ito upang higit na maunawaan
ng kliyente.
•
Slice. Paraan ito kung saan ay pagagaanin
ang kabuuang halaga ng isang produkto
sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.
Halimbawa, maaaring ialok ang airconditioner
na nagkakahalaga ng P12,000 na bayaran
lamang ng isang libo kada buwan sa loob
ng isang taon.
•
Subtraction. Isa itong technique kung saan
nag-iiwan ng palaisipan kung ano ang maaaring
maging epekto kung sakaling hindi bumili
ang kliyente ng produktong inaalok. Halimbawa,
maaaring sabihin na kung walang washing
machine, patuloy na mahihirapan ang kliyente
sa pagkusot ng labada o mababawasan ang oras
na sana ay ilalaan na lamang sa ibang bagay
Source: DTI Radiobits – September 2012 Issue