Ang home-based business ay malaking tulong
sa pamilyang nangangailangan ng karagdagang kita.
Ang mga karaniwang negosyong naiisip ay sari-sari
store, barbeque stand, water station, at marami
pang iba. Mas makatitipid kapag nag-home-based
business.
Narito ang ilang mga tips upang magkaroon ng
matagumpay na home-based enterprise:
• Piliin ang parte ng bahay na magiging business
area. Mahalaga na matukoy kung anong parte
ng bahay ang gagamitin para sa negosyo. Ipaalam
ito sa buong pamilya upang manatili pa rin
ang privacy.
• Gumawa ng business plan at pumili ng business
name. Hindi kailangang pormal ang business plan
na gagawin. Magsisilbi lamang itong gabay
upang magkaroon ng motivation at mas maging
buo ang loob sa pagpapatuloy ng negosyo.
Produced by:
Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City.
Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph
Ang pipiliing business name ay dapat irehistro
sa Department of Trade and Industry (DTI)
bago gumawa ng signage.
• Kumuha ng business permit. Kahit nasa tahanan
lang ang negosyo, kailangan pa ring kumuha
ng business permit upang magkaroon ng legal
identity. Kumuha nito sa inyong munisipyo
o barangay. Lumapit sa Home Owner’s Association
para sa mga requirements at iba pang prosesong
dapat sundin kung ang bahay ay nasa loob
ng subdivision.
• Ihanda ang kakailanganing kapital. Ilista lahat
ng mga gagastusin para malaman kung magkano
ang kapital na magagamit. Maglaan din
ng contingency para sa mga biglaang gastusin.
• Mag-inventory. Alamin kung may mga bagay
na matatagpuan sa loob ng bahay na maaari
pang magamit upang hindi na bumili pa. Maaari
ring may mapagkukunan o mabibilhan sa mas
murang halaga.
• Magkaroon ng sistema sa negosyo. Maliit man
o malaki ang negosyo, kailangan pa rin nito
ng sistema upang maging maayos ang operasyon.
Magtalaga ng record keeping, costing, at presyo
ng produkto o serbisyo, at imbentaryo.
• Mag-aral ng manpower requirements. Madalas
na ang may-ari rin ang tauhan sa home-based
business. Gayunpaman, habang lumalaki
ang negosyo, nangangailangan ito ng iba
pang empleyado. Maging mapili sa pagkuha
ng tauhan dahil malaki ang magagawa
at maitutulong nila sa ikatatagumpay ng negosyo.
• Umisip ng mga oportunidad kung paano
makikilala ang negosyo. Kahit home-based
lang ang negosyo, hindi dapat mawala
ang marketing effort. Ito ang magiging life force
ng negosyo kung kaya dapat mas magkaroon
ito ng malaking impresyon sa magiging
mga mamimili.
• Alamin ang oras na magugugol sa negosyo.
Linawin ang oras na itatakda para sa negosyo
upang maipalam at maipaintindi rin
sa mga kasama sa bahay.