Mga tips sa pagbabalanse ng oras

Ang pagbibigay ng panahon sa negosyo ay mahalaga
upang mapaunlad ito. Subalit, higit na makabubuti
kung magkakaroon din ng sapat na oras
para sa pamilya. Narito ang ilang tips
upang maging balanse ang dalawang ito:
• Sundin ang work routine. Hatiin ang oras habang
tinitiyak na mabibigyan ng angkop na panahon
ang negosyo at pamilya. Maaaring itaon
ang pagtatrabaho sa panahong nasa paaralan
ang mga anak.
• Maghati ng mga responsibilidad. Kung mag-asawa
ang nagpapatakbo ng negosyo, ang isa ay dapat
full-time dito. Samantala, ang isa naman
ay salitan sa pag-aalaga ng mga miyembro
ng pamilya at pagtulong sa negosyo.
• Turuan ang mga anak. Ang paghubog sa munti
nilang kaisipan, tulad ng pagiging matulungin,
ay magbibigay daan upang lumaking responsable
ang mga bata. Makatutulong din sila sa
pagpapatibay sa negosyo.

Submit a Comment