Bohol News Daily

Iba pang gastusin pagkabili ng bahay at lupa

Sa pagbili ng bahay at lupa, marapat na paglaanan
at paghandaan din ang iba pang mga gastusin
gaya ng mga sumusunod:
• Pagsasaayos ng ilang bahagi ng bahay. Kailangang
masiguro na wala itong anay o mga peste,
lalo’t higit kung matagal na itong ipinatayo.
Kung hindi ito maaagapan, malamang ay higit pa
ang maaaring magastos.
• Pagbabayad ng taxes at insurance.Ang bagong
ari-arian ay nangangahulugan ng bagong tax
na babayaran taun-taon. Sa kabilang banda,
ang pagbabayad naman ng insurance ay optional
lamang. Masasabing ang insurance ay proteksyon
kung magkakaroon ng baha, sunog, lindol o ibang
kalamidad na sisira sa bahay.
• Homeowners association at condo fees.
Kung sakaling makabili ng bahay sa loob ng isang
subdivision o condominium, asahan nang mayroong
babayarang homeowners fee. Asahan na rin
ang mga kontribusyon para sa mga proyekto
ng organisasyon.
• Bayad sa paglilipat-bahay. Bukod sa paglilipat
ng mga gamit, kailangan ding paghandaan ang ilang
gastusin para sa mga bagong gamit. Kadalasan
ay mapapabili ng bagong furniture set,
mga dekorasyon, at kurtina na babagay sa bahay.
• Maintenance at iba pang mga repair. Asahang
kakailanganing pangalagaan ang hardin, magputol
ng mga damo, at laging walisan ito. Kailangan
ding maglaan ng halaga kung sakaling may masira
gaya ng ilaw, gripo o mga sockets.
• Mga lihim na gastos. Kasali rito ang bayad
sa pagtatasa o assessment ng ari-arian,
pag-iinspeksyon ng bahay, at serbisyo
sa pagkukunekta ng mga yutilidad tulad ng tubig
at kuryente.

Exit mobile version