Bohol News Daily

Ilang paalala sa paggamit ng A-T-M

Malaking ginhawa ang naibibigay ng automatic
teller machine o A-T-M para sa mga konsyumer.
Nagsisilbi kasing electronic wallet ang A-T-M card.
Subalit, dapat maging matalino at ligtas sa paggamit
nito. Narito ang ilang mga paalala:

Huwag mag-withdraw sa A-T-M na nasa tagong
lugar. Iwasang gawin ang automated banking
sa A-T-M na natatakpan ng partisyon o halaman;
sa halip, humanap ng A-T-M sa isang publiko,
maliwanag, at ligtas na lugar.

Maging alerto sa buong transaksyon. Huwag
magtitiwala sa mga taong nagsasabing tutulong
umano sa pagwi-withdraw.

Gawing doble ang pag-iingat. Iwasang gumamit
ng A-T-M machine na hindi pamilyar o may mga
features na kaduda-duda.

Huwag hayaang mayroong nanonood habang
ginagawa ang transaksyon. Huwag ipaalam
ang personal identification number o PIN sa iba
at hindi rin ito dapat isulat sa card.

Maghanap ng ligtas na lugar bago bilangin
ang perang na-withdraw sa A-T-M. Mainam din
kung sisiguraduhing walang taong nakasunod
o nakamatyag.

Ikunsidera rin ang ibang gumagamit ng A-T-M.
Bigyan ng sapat na distansya ang kasalukuyag
gumagamit ng makina. Huwag mag-usyoso sa
transaksyon ng iba
Huwag magdeposito ng pera sa isang bank
account o magpadala ng load para lamang
makuha ang premyo. Kung totoong nanalo,
wala ng dahilan upang hingan pa ng pera.
Kung sinasabing ito ay tax, magduda na,
dahil kung totoong nanalo, otomatiko itong
ibabawas sa premyo, liban na lamang
kung nakasaad sa mechanics na sasagutin
ito ng nanalo.

Huwag agad paniwalaan ang mga text
kahit may ibigay itong Department of Trade
and Industry o D-T-I permit number. Ginagawa
ito ng mga manloloko upang mas maging
kapanipaniwala ang text nila at isipin ng biktima
na lisensyado ito ng ahensya. Upang maberepika
ang permit number, pumunta sa www.dtincr.ph.

Huwag din agad paniwalaan ang mga text kahit
na gumagamit ito ng pangalan ng mga kilalang
tao. Kadalasan ay sasabihing proyekto o paripa
ito ng mga sikat na organisasyon o kilalang
personalidad upang higit na makumbinsi
ang biktima.

Huwag nang mag-aksaya ng load upang tawagan
o itext ang nagpadala ng mensahe. Sa halip,
ipagsawalang-bahala na lang ang natanggap
na mensahe.

Tumawag o humingi ng payo sa mga ahensya
ng pamahalaan. Huwag mag-atubiling
magsumbong at magtanong sa National
Telecommunications Commission o N-T-C
sa 926.7722 o D-T-I Direct sa 751.3330.

Exit mobile version