Ilang payo sa online banking

Hindi maikakailang uso ngayon ang online banking
dahil sa convenience na naibibigay nito. Kaya naman
narito ang ilang paraan kung paano mag-iingat
sa paggamit nito:

Siguraduhing lehitimo ang bangko na
paglalagakan ng pera. Basahin ang “about us”
section at company profile sa kanilang website,
flyers, at brochure. Ang mga lehitimong bangko
ay kasapi ng Philippine Deposit Insurance
Corporation o P-D-I-C.

Tiyakin ang seguridad. Basahin ang privacy
policies at alamin kung sino ang direktang
may access sa mga personal na impormasyon.
Tiyakin din na laging i-log out ang account lalo
na kung pampublikong kompyuter ang gamit.
Mas makabubuti kung sa sariling bahay at
kompyuter na lamang magsagawa ng online
banking. Sagutin lagi ng “no” ang “remember
password” na tanong at ugaliing magpalit
ng password sa sariling takdang panahon.

Huwag magbibigay ng account details at personal
identification number o PIN gamit ang email.
Balewalain din ang mga email o tawag sa telepono
na humihingi ng PIN at iba pang social security
number. Kung duda, tumawag sa bangko
upang magberipika.

Doblehin ang gagawing pag-iingat. Huwag basta
maniniwala sa mga kagayang websites. Madali
lang kopyahin ang pangalan, universal resource
language o U-R-L, o mismong websites ng mga
lehitimong institusyon. Mainam din kung laging
updated ang anti-virus na gamit upang lumiit
ang tyansang mapasok ng mga hackers.

Regular na magtsek ng online banking. Isa-isahin
ang mga transakyon at agad na itawag sa bangko
kung may makikitang discrepancy sa sariling
account.

Submit a Comment