Sa panahon ng tag-ulan, asahan na natin ang mga
pagbaha lalo na sa Kalakhang Maynila at ilang karatig
na probinsya. Kaya naman, marapat na maging alerto
at handa anumang oras. Narito ang ilang paalala
sa oras ng baha:
•
Iba na ang may alam. Mahalagang laging updated
sa lagay ng panahon lalo na kung bahain ang lugar
na tinitirhan. Palagiang makinig sa radyo o manood
sa telebisyon ukol sa mga ulat sa panahon.
Maaari ring bisitahin ang website ng Philippine
Atmospheric, Geophysical, and Astronomical
Services Administration o PAGASA
sa www.pagasa.dost.gov.ph.
•
Iba na ang laging handa. Kung sakaling abutin
ng tubig, maghanda nang lumikas. Alamin din
kung saan ang pinakamalapit na evacuation center
sa inyong lugar. Ihanda ang mga gamot at ilang
panlaban sa ulan at lamig. Huwag ding kaligtaan
ang cellphone at flashlight. Siguraduhin namang
puno ang kargang baterya ng mga ito at may
pamalit kung sakaling maubos.
•
Iba na ang maingat. Isarado ang lahat ng main
switches, valves, at iba pang dinadaluyan
ng kuryente sa inyong bahay. Itaas ang mga
appliances upang di abutin ng baha at tanggalin
sa saksak ang mga ito.
•
Huwag pakalat-kalat. Kung may second floor,
manatili na lamang dito at huwag nang subuking
lumusong sa baha upang maiwasan ang mga sakit
na dulot nito
Humanap ng mga alternatibong daanan. Kung nasa
biyahe, iwasang dumaan sa mga bahaing lugar.
Kung inabot naman ng tubig ang sasakyan,
huwag nang manatili sa loob nito at iparada
na lamang sa lugar na hindi makakaabala sa iba.
•
Huwag pasaway. Laging isaalang-alang
ang kaligtasan sa lahat ng oras. Kung stranded
sa opisina, huwag magpumilit na umuwi lalo
na kung wala namang ibang aalalahanin sa bahay.
Kung sa daanan naman, humanap ng mataas
na gusali at doon muna panandaliang makisilong.
•
Iba pa rin ang nakikibalita. Alamin ang mga
updates sa baha at makinig sa payo ng mga
eksperto. Dapat updated din sa presyo ng mga
bilihin upang hindi mapagsamantalahan sa oras
ng kalamidad. Kung may sumbong sa mga
mapagsamantalang tindero at tindera, maaaring
tumawag sa Department of Trade and Industry
o D-T-I sa 751.3330 o 0917.834.3330. Maaari
ring mag-download ng Price Monitoring and Update
sa www.dti.gov.ph.
Source: DTI Radiobits – September 2012 Issue