Bohol News Daily

Tipid tips ngayong pasukan

Malapit na naman ang pasukan at panahon na naman
ng pag-iisip kung paano titipirin ang badyet pambili
ng mga school supplies. Narito ang ilang tips:

Ayusin ang mga lumang gamit sa eskwelahan.
Piliin kung alin ang maaari pang mapakinabangan.
Halimbawa, ipunin ang mga bahagi ng kwadernong
wala pang sulat at saka ito buuin upang maging
panibagong notebook.

Gumamit ng papel imbes na plastic. Subukin
ang mga lumang dyaryo at gamit na manila paper
upang ipantakip sa mga kwaderno at libro imbes
na plastic. Malaki rin ang maitutulong nito
para sa kalikasan.

Bumili ng mga matitibay at dekalidad na gamit.
Halimbawa, kung ang bibilhing bag ay madaling
masira, higit pa ang magiging gastos
dahil sa paulit-ulit na pagbili ng bago.

Piliin ang mga reusable containers.
Kung nagbabaon, mas malaki ang matitipid
kung reusable containers ang gagamitin
dahil hindi na kakailanganin pang paulit-ulit
na bumili ng bagong lalagyan.

Isipin na ang paglalakad sa pagpasok.
Kung malapit lang naman ang paaralan, lakarin
na lamang ito upang makatipid sa pamasahe.
Isa rin itong paraan upang makapag-ehersisyo.

Mag-Divisoria o kaya naman ay samantalahin
ang mga sale. Hindi maikakailang napakamura
ng mga paninda sa Divisoria ngunit marapat
na maging doble ingat, higit na sa kalidad.
Mayroon din namang mga sale sa mall o discount
sa mga tindahan kung madami ang bibilhin.
Ang Department of Trade and Industry o D-T-I
naman ay mayroong Diskwento Caravan Balik
Eskwela Edition kung saan napakamura ng mga
dekalidad na gamit. Para sa higit pang kaalaman,
maaaring tumawag sa D-T-I Direct sa 751.3330

Exit mobile version