Marami-rami sa ating mga kababayan ang tinitingnan
ang Pasko bilang pagkakataong magnegosyo
at kumita. Narito ang ilang suhestiyon kung anu-ano
ang magagandang inegosyo o iserbisyo:
•
Pagkain. Ikonsidera ang ham, queso de bola, puto
bumbong at bibingka, pansit, cakes at pastries,
tsokolate at kendi, at prutas bilang paninda. Patok
din ang mga food catering services kung ganitong
panahon dahil sa sunud-sunod na okasyon.
•
Event organizing. Kasabay na rin ng catering
services ang pangangailangan ng event
organizers. Kung sistematiko, magaling
makihalubilo, at mahusay magsalita, maaari itong
subukin. Mabenta rin ang videoke at sounds rental
at maging ang hosting at photography.
•
Pagpapaupa ng venue. Kung mayroong maluwag
at bakanteng lote, maaaring paupahan ito
para mapagdausan ng sunud-sunod na okasyon.
•
Christmas craft and décors. Mabenta rin ang mga
nagkikintaban at nagagandahang palamuti tulad
ng Christmas trees, Christmas lights, o parol.
Marami ring mga kumpanya at organisasyon
ang nagbibigay ng giveaways.
•
House repair. Marami ring nagpapaayos ng bahay
o opisina kung ganitong panahon. Bukod kas