Matalinong pamimili ngayong kapaskuhan

Ngayong nalalapit na ang Pasko, dumarami na naman
ang mga bazaars at tiangge at nagiging bagsak-presyo
na ang karamihan sa mga pamilihan. Subalit dapat
matalino pa rin ang pamimili. Narito ang ilang tips:

Maganda sa paningin pero kumusta naman
ang kapakinabangan? Puro palamuti ang paligid
kung Kapaskuhan kaya maging ang mga paninda
ay nagkikintaban at naggagandahan. Bago bumili,
siguraduhing kailangan talaga ito at hindi lang
basta maganda sa paningin.

Nakamura ka nga ba? Hindi dahil bagsak-presyo
ang mga paninda ay nakamura ka na. Kalidad
ang talagang batayan ng katipiran. Ang makabili
ng de-kalidad na gamit sa murang halaga ang
tunay na matalinong pamimili.

Ligtas ba ang regalo mo? Iwasang magbigay
sa mga inaanak ng mga laruang hindi lang
madaling masira, kundi maaari pang magtaglay
ng lead content na masama sa kalusugan. Maaari
ring magtaglay ng mga kemikal na masama sa
katawan ang mga mugs o baso. Huwag magbigay
ng mga pagkaing madaling masira at tiyaking hindi
ito kontaminado.

Kumusta ang alkansya mo? Baka hindi mo
namamalayan, malaki na ang nababawas
sa savings dahil sa palagiang pagdayo sa mga
tiangge at sales. Laging tingnan ang mas malaking
larawan at huwag kalimutan ang mga dapat
paglaanan na higit na mahalaga

Submit a Comment