Mga bagay na dapat isaalang-alang bago maglabas ng bagong produkto

Sa tuwing may ipakikilalang bagong produkto
sa merkado, mahirap para sa isang negosyante
na tantyahin kung tatangkilikin ba ito ng mga
mamimili. Narito ang ilang mahahalagang paalala
na dapat tandaan:

Huwag agad magbigay ng konklusyon. Mag-set
ng goals at sukatan para masuri ang bagong
produktong ilalabas lalo na kung wala pang
nailalabas na tulad nito sa merkado. Subukin
ding magtanong sa mga regular na kostumer
kung ano ba ang hinahanap nila sa bagong
produkto o kung ano pa ang kailangan nila.

Gumawa ng survey. Mahalagang malaman
ang opinyon ng mga nakasubok na sa bagong
labas na produkto. Hingan sila ng ideya
kung paano mapauunlad ang kalidad ng bagong
produkto. Kumuha ng mga notes at masusi
itong pag-aralan upang higit na mapabuti
ang gagawing improvements.

Huwag padalus-dalos. Hindi lahat ng maisip
na desisyon ay dapat agarang ipatupad.
Hangga’t maaari, isangguni muna ito sa mga
eksperto at pag-isipan ang isang desisyon bago
isagawa. Humingi ng payo mula sa mga kakilala,
pamilya, empleyado, at kostumer.

Source: DTI Radiobits – September 2012 Issue

Submit a Comment