Marami sa atin ang natataranta at di malaman
ang gagawin kapag nabasa ang mga gadgets tulad
ng cellphone. Narito ang ilang tips kung ano ang mga
gagawin kung sakaling mangyari ito:
•
Tanggalin ang baterya. Ang pinakaunang dapat
gawin ay tanggalin ang power source ng cellphone
upang maiwasan ang pagsi-short circuit ng device.
•
Tanggalin ang SIM card. Maaari kasi itong
magkaroon ng diprensya kung susundin
na ang mga susunod na hakbang.
•
Huwag itong masyadong alugin. Maaaring kumalat
pa ang tubig sa loob at masira ang ibang bahagi.
•
Tanggalin ang mga abubot upang mas makalabas
ang tubig. Gumamit ng tuwalya o paper towel
para tuyuin ang cellphone.
•
Kung labis na nababad sa tubig ang cellphone,
subuking gumamit ng vacuum cleaner para
higupin ang pumasok na tubig. Makatutulong
din upang maka-absorb ng tubig ang pagsasama
ng nabasang cellphone sa bigasan sa loob
ng 24 oras.
•
Subukin kung gumagana matapos patuyuin.
Kung hindi, dalhin na ito sa isang authorized
service center upang ipagawa