Mga dapat tandaan sa dealership venture

Ang mga taong magaling makisalamuha sa iba
at mahilig makipagkwentuhan ay madalas nababagay
na maging dealer at nagiging matagumpay rito. Gaano
man kaganda ang mga inaalok na dealer schemes,
huwag maging padalus-dalos sa pagpasok dito.
Mabuting alamin muna ang kumpanyang papasukan
bago ang lahat. Narito ang mga dapat tandaan
upang maging matagumpay sa ganitong scheme:
• Saliksikin ang kumpanyang gustong salihan.
Alamin ang legal history, performance, feedback,
at personality sa kumpanyang interesado ka.
Maaari itong malaman sa mga existing dealers.
• Alamin at pag-aralan ang ibebenta. Bilang dealer,
dapat naniniwala ka sa iyong produkto
upang mabenta ito nang mas mahusay.
• Maging wais sa benefits at mga kikitain.
Huwag lamang isipin ang malaking kikitain
para mas maintindihan ang iba pang mga
impormasyon sa pagiging dealer.
Alamin din kung magkano ang magiging kabuuang
puhunan para maging isang accredited dealer.
• Intindihing mabuti ang dealership agreement.
Upang malaman ang iyong obligasyon
bilang isang dealer, basahing mabuti
ang dealership agreement form. Siguraduhing
sang-ayon ka sa bawat stipulation na nakalahad.

Submit a Comment