Sampung bagay na hinahanap ng mga empleyado mula sa kanilang employer

Pinakamahalagang yaman ng alinmang negosyo
ang mga empleyado. Sila ang responsible sa paggawa
ng mga produkto at pagtiyak na mahusay
ang serbisyo. Hindi lang patas at nararapat
na kompensasyon ang dapat nilang matanggap kundi
pati na ang ibang bagay na mahirap tumbasan
ng salapi. Narito ang sampung bagay na hinahanap
ng mga empleyado mula sa kanilang employer:

Tiwala. Ang pagkakaroon ng tiwala ng employer
sa empleyado ay susi sa mahusay na samahan
dahil nai-empower ang kawani kung nararamdaman
niyang siya ay pinagkakatiwalaan.

Maaasahan. Ideal para sa mga empleyado
ang maaasahang boss. Mahalaga na may
kakayanan, klaro, may direksyon, at marunong
manindigan ang kanilang lider.

Kaligtasan. Nais ng mga empleyado ang ligtas
at kumportableng working area. Mas magiging
mahusay at mabilis ang kanilang trabaho kung
kaiga-igaya ang pwesto sa opisina.

Career growth. Mahalaga sa kanilang makasali
sa mga seminars at trainings upang mapalago
ang kaalaman. Nais din nila ang mga oportunidad
na magagamit ang kanilang talino at skills.

Hustisya. Nais ng mga empleyado na itrato
sila nang patas at may tamang distribusyon
ng workload. Masakit din sa kanila ang masisi
sa mga kamaliang hindi naman nila kasalanan.

Respeto. Kailangang makatanggap din ang mga
empleyado ng respeto na nararapat sa kanila.
Bagama’t nasa loob sila ng opisina upang
magtrabaho, hindi ibig sabihin ay wala na silang
karapatang magkaroon ng privacy.

Tulong. Kailangan din ng mga empleyado
ang pag-alalay at suporta. Nangangailangan sila
ng lider o boss na hindi maramot sa kaalaman
at motibasyon.

Challenge. Masakit para sa mga empleyado
ang minamaliit sila mentally, personally,
at higit sa lahat ay professionally. Kailangan nila
ng challenge; hindi sila dapat ma-bore
sa kani-kanilang trabaho.

Teamwork. Maganda para sa mga empleyado
ang teamwork, dahil bukod sa gumagaan
ang trabaho, naghuhubog din ito ng pagkakaibigan.

Kasiyahan. Hindi naman nangangahulugan na puro
pagsasaya na lang ang gagawin sa opisina
at kalilimutan na ang trabaho. Nangangahulugan
lang ito na kailangan ma-enjoy din ng empleyado
ang mismong mga gawain nya

Submit a Comment