by aimee | Nov 26, 2012 | Headlines
Kung malayo sa bahay ang trabaho at ayaw namang
mapalayo sa pamilya, mainam na ikunsidera
ang pagrenta ng apartment. Narito ang ilang payo
sa pagpili nito:
•
Isaalang-alang ang mga features na nais
sa apartment. Halimbawa, kung may kotse,
dapat na ang kukuhaning apartment ay may
parking lot o sapat na espasyo upang maiparada
ang sasakyan. Malaking tulong din ang Internet
upang makakita kung ano ang magandang klase
ng apartment at upang makapaghanap na mismo
ng mga unit na pwedeng upahan.
•
Bisitahin muna ang lugar bago gumawa ng deal.
Makabubuting personal na inspeksyunin ang lugar
bago gumawa ng transaksyon. Huwag magtiwala
sa kung ano ang nakikita sa larawan o mga
sabi-sabi. Dapat ay personal na matiyak
kung magiging kumportable ba sa lugar, ligtas
ba rito, o bumabaha ba rito. Tumawag muna sa
may-ari bago bumisita upang masiguro na naroroon
siya at hindi masayang ang oras kung magkataong
wala pala siya roon sa oras ng pagbisita.
•
Kahit na unang beses pa lamang na kukuha
ng apartment, dapat na ipakita sa may-ari
na marami nang alam. Makatutulong ito upang
makaiwas sa pananamantala lalo na kung
magbibigay na ng down payment at ilang paunang
mga bayad. Tandaan din na gumayak nang wasto
para maging maganda ang first impression
by aimee | Nov 26, 2012 | Headlines, National News
Hindi maikakailang uso ngayon ang online banking
dahil sa convenience na naibibigay nito. Kaya naman
narito ang ilang paraan kung paano mag-iingat
sa paggamit nito:
•
Siguraduhing lehitimo ang bangko na
paglalagakan ng pera. Basahin ang “about us”
section at company profile sa kanilang website,
flyers, at brochure. Ang mga lehitimong bangko
ay kasapi ng Philippine Deposit Insurance
Corporation o P-D-I-C.
•
Tiyakin ang seguridad. Basahin ang privacy
policies at alamin kung sino ang direktang
may access sa mga personal na impormasyon.
Tiyakin din na laging i-log out ang account lalo
na kung pampublikong kompyuter ang gamit.
Mas makabubuti kung sa sariling bahay at
kompyuter na lamang magsagawa ng online
banking. Sagutin lagi ng “no” ang “remember
password” na tanong at ugaliing magpalit
ng password sa sariling takdang panahon.
•
Huwag magbibigay ng account details at personal
identification number o PIN gamit ang email.
Balewalain din ang mga email o tawag sa telepono
na humihingi ng PIN at iba pang social security
number. Kung duda, tumawag sa bangko
upang magberipika.
•
Doblehin ang gagawing pag-iingat. Huwag basta
maniniwala sa mga kagayang websites. Madali
lang kopyahin ang pangalan, universal resource
language o U-R-L, o mismong websites ng mga
lehitimong institusyon. Mainam din kung laging
updated ang anti-virus na gamit upang lumiit
ang tyansang mapasok ng mga hackers.
•
Regular na magtsek ng online banking. Isa-isahin
ang mga transakyon at agad na itawag sa bangko
kung may makikitang discrepancy sa sariling
account.
by aimee | Nov 26, 2012 | Headlines
Narito ang ilang tips kung paano makatitipid sa baon
ng mga anak na hindi isinasantabi ang kanilang
kalusugan at kaligtasan.
•
D-I-Y o do-it-yourself. Imbes na bumili sa tindahan
ng mga biscuit, tetra pack, at bottled juices,
baunan na lang sila ng sariling luto o gawang
pagkain. Ugaliin namang samahan ng gulay ang
baong kanin at prutas gaya ng saging, mansanas,
pinya,at dalandan.Bukod sa siguradong
masustansiya na, mas makatitipid pa.
•
Maghanda ng mga bite-size portions.
Mas madaling kainin ng mga bata ang maliliit
na hiwa na tipong isusubo na lamang.
Makatutulong din ito upang mas madaling
manguya at maubos ang pagkain.
•
Maghanda nang mas maaaga. Kung maaari
ay iwasan ang paghahanda ng mga frozen food
dahil kadalasang marami na itong preservatives.
Maaari rin naman na pasobrahan ang lulutuing
ulam sa gabi at ipainit na lang kinaumagahan
upang ipabaon.
•
Be resourceful. Halimbawa, may over ripe
na mangga, maaari itong gawing jam na pwedeng
ipalaman sa tinapay.
•
Gumamit ng water jugs at food container.
Malaking tulong ito sa katipiran at kalikasan.
Maiiwasan ding matapon ang baon ng mga anak
sa kanilang bag.
•
Be creative. Matutong mag-imbento ng bagong
putahe para hindi paulit-ulit ang binabaon.
Makatutulong din kung gagawa ng isang buwang
menu para mapadali ang gagawing paghahanda
Bukod sa kapaligiran, dapat alamin din ang mga
gawi at ugali ng mga tao sa iyong paligid.
Halimbawa, alamin kung ang nakatira sa katabing
unit ay mahilig makipag-inuman hanggang
umaga o kaya ay chain smoker naman ang nasa
kabilang kwarto. Tanungin din ang ilan kung ano
ang masasabi nila sa lugar, sa landlord,
o sa kapitbahay. Maging palakaibigan
at matutong makisama.
•
Mag-set ng badyet at piliting huwag lalagpas
sa nakatakda. Ikunsidera ang kasalukuyang
kinikita, kung pasok pa ba rito ang pagbabayad
sa nakatakdang halaga ng apartment. Bukod kasi
sa upa, pinaglalaanan din ang ilang bagay gaya
ng pagkain, allowance araw-araw, savings, at ilan
pang mga gastusin. Mahalaga ang savings para
sa panghinaharap na gastusin gaya ng bills o kaya
ay panggastos kung sakaling may magkasakit.
•
Basahin at intindihin ang kasunduan.Alamin
kung ang paglalagay ba ng aircon ay
pinahihintulutan o kaya ay pwede ang pag-aalaga
ng mga hayop. May ilan kasing may-ari ng
apartment na mahigpit sa ganitong mga polisiya
na ultimo pagkakabit ng pako ay dapat pang
itawag sa kanila at sila ang magkakabit
by aimee | Nov 26, 2012 | Headlines
Pinakamahalagang yaman ng alinmang negosyo
ang mga empleyado. Sila ang responsible sa paggawa
ng mga produkto at pagtiyak na mahusay
ang serbisyo. Hindi lang patas at nararapat
na kompensasyon ang dapat nilang matanggap kundi
pati na ang ibang bagay na mahirap tumbasan
ng salapi. Narito ang sampung bagay na hinahanap
ng mga empleyado mula sa kanilang employer:
•
Tiwala. Ang pagkakaroon ng tiwala ng employer
sa empleyado ay susi sa mahusay na samahan
dahil nai-empower ang kawani kung nararamdaman
niyang siya ay pinagkakatiwalaan.
•
Maaasahan. Ideal para sa mga empleyado
ang maaasahang boss. Mahalaga na may
kakayanan, klaro, may direksyon, at marunong
manindigan ang kanilang lider.
•
Kaligtasan. Nais ng mga empleyado ang ligtas
at kumportableng working area. Mas magiging
mahusay at mabilis ang kanilang trabaho kung
kaiga-igaya ang pwesto sa opisina.
•
Career growth. Mahalaga sa kanilang makasali
sa mga seminars at trainings upang mapalago
ang kaalaman. Nais din nila ang mga oportunidad
na magagamit ang kanilang talino at skills.
•
Hustisya. Nais ng mga empleyado na itrato
sila nang patas at may tamang distribusyon
ng workload. Masakit din sa kanila ang masisi
sa mga kamaliang hindi naman nila kasalanan.
•
Respeto. Kailangang makatanggap din ang mga
empleyado ng respeto na nararapat sa kanila.
Bagama’t nasa loob sila ng opisina upang
magtrabaho, hindi ibig sabihin ay wala na silang
karapatang magkaroon ng privacy.
•
Tulong. Kailangan din ng mga empleyado
ang pag-alalay at suporta. Nangangailangan sila
ng lider o boss na hindi maramot sa kaalaman
at motibasyon.
•
Challenge. Masakit para sa mga empleyado
ang minamaliit sila mentally, personally,
at higit sa lahat ay professionally. Kailangan nila
ng challenge; hindi sila dapat ma-bore
sa kani-kanilang trabaho.
•
Teamwork. Maganda para sa mga empleyado
ang teamwork, dahil bukod sa gumagaan
ang trabaho, naghuhubog din ito ng pagkakaibigan.
•
Kasiyahan. Hindi naman nangangahulugan na puro
pagsasaya na lang ang gagawin sa opisina
at kalilimutan na ang trabaho. Nangangahulugan
lang ito na kailangan ma-enjoy din ng empleyado
ang mismong mga gawain nya
by aimee | Nov 26, 2012 | Business, Headlines
Marami-rami sa ating mga kababayan ang tinitingnan
ang Pasko bilang pagkakataong magnegosyo
at kumita. Narito ang ilang suhestiyon kung anu-ano
ang magagandang inegosyo o iserbisyo:
•
Pagkain. Ikonsidera ang ham, queso de bola, puto
bumbong at bibingka, pansit, cakes at pastries,
tsokolate at kendi, at prutas bilang paninda. Patok
din ang mga food catering services kung ganitong
panahon dahil sa sunud-sunod na okasyon.
•
Event organizing. Kasabay na rin ng catering
services ang pangangailangan ng event
organizers. Kung sistematiko, magaling
makihalubilo, at mahusay magsalita, maaari itong
subukin. Mabenta rin ang videoke at sounds rental
at maging ang hosting at photography.
•
Pagpapaupa ng venue. Kung mayroong maluwag
at bakanteng lote, maaaring paupahan ito
para mapagdausan ng sunud-sunod na okasyon.
•
Christmas craft and décors. Mabenta rin ang mga
nagkikintaban at nagagandahang palamuti tulad
ng Christmas trees, Christmas lights, o parol.
Marami ring mga kumpanya at organisasyon
ang nagbibigay ng giveaways.
•
House repair. Marami ring nagpapaayos ng bahay
o opisina kung ganitong panahon. Bukod kas