by aimee | Sep 3, 2013 | Features, Headlines
Ang pagkakaroon ng maganda, matibay,
at de-kalidad na produkto ay hindi lamang batayan
ng isang matagumpay na negosyo.Mahalaga pa rin
ang matalinong pag-promote nito sa target market.
Dapat alam mong magbenta ng produkto
sa tamang pwesto at presyo. Kailangan din
na mayroon kang tamang marketing skills. Alamin
ang mga sumusunod:
• Tama ba ang produkto mo? Subuking magbenta
ng produkto sa mga kamag-anak o kaibigan
at hingin ang opinyon nila ukol dito. Pwede
ring sumali sa mga trade fairs. Gumawa rin
ng iba’t ibang uri ng presentasyon na naaayon
sa iyong target market. Sumubok ding
mag-venture ng ibang produkto. Halimbawa,
sa pagtitinda ng buko pie ay maaari ring gumawa
ng buko tart o iba pang produkto na ang sangkap
ay buko.
• Tama ba ang pwesto mo? Isa sa
pinakamahalagang batayan ng pagkakaroon
ng matagumpay na negosyo ang pagtukoy
ng lugar na pagtatayuan nito. Iangkop
ang pagbabagsakan ng produkto sa tamang target
market. Dapat ding alamin ang mood
ng mga taong dumaraan. Sila ba ay nasa lugar
para mamili, kumain, o dumaraan lang?
• Tama ba ang presyo mo? Dapat affordable
sa target market mo ang presyo ng iyong produkto
upang mas maging mabenta ito.
• Tama ba ang promotion mo? Anu-ano
ba ang iyong mga gimik para ma-ipromote
ang negosyo? Mayroon ka bang flyers, radio
o display ads, brochures, at kung anu-ano pa?
by aimee | Sep 3, 2013 | Features, Headlines
Ang mga taong magaling makisalamuha sa iba
at mahilig makipagkwentuhan ay madalas nababagay
na maging dealer at nagiging matagumpay rito. Gaano
man kaganda ang mga inaalok na dealer schemes,
huwag maging padalus-dalos sa pagpasok dito.
Mabuting alamin muna ang kumpanyang papasukan
bago ang lahat. Narito ang mga dapat tandaan
upang maging matagumpay sa ganitong scheme:
• Saliksikin ang kumpanyang gustong salihan.
Alamin ang legal history, performance, feedback,
at personality sa kumpanyang interesado ka.
Maaari itong malaman sa mga existing dealers.
• Alamin at pag-aralan ang ibebenta. Bilang dealer,
dapat naniniwala ka sa iyong produkto
upang mabenta ito nang mas mahusay.
• Maging wais sa benefits at mga kikitain.
Huwag lamang isipin ang malaking kikitain
para mas maintindihan ang iba pang mga
impormasyon sa pagiging dealer.
Alamin din kung magkano ang magiging kabuuang
puhunan para maging isang accredited dealer.
• Intindihing mabuti ang dealership agreement.
Upang malaman ang iyong obligasyon
bilang isang dealer, basahing mabuti
ang dealership agreement form. Siguraduhing
sang-ayon ka sa bawat stipulation na nakalahad.
by aimee | Sep 3, 2013 | Business, Headlines
Ang home-based business ay malaking tulong
sa pamilyang nangangailangan ng karagdagang kita.
Ang mga karaniwang negosyong naiisip ay sari-sari
store, barbeque stand, water station, at marami
pang iba. Mas makatitipid kapag nag-home-based
business.
Narito ang ilang mga tips upang magkaroon ng
matagumpay na home-based enterprise:
• Piliin ang parte ng bahay na magiging business
area. Mahalaga na matukoy kung anong parte
ng bahay ang gagamitin para sa negosyo. Ipaalam
ito sa buong pamilya upang manatili pa rin
ang privacy.
• Gumawa ng business plan at pumili ng business
name. Hindi kailangang pormal ang business plan
na gagawin. Magsisilbi lamang itong gabay
upang magkaroon ng motivation at mas maging
buo ang loob sa pagpapatuloy ng negosyo.
Produced by:
Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City.
Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph
Ang pipiliing business name ay dapat irehistro
sa Department of Trade and Industry (DTI)
bago gumawa ng signage.
• Kumuha ng business permit. Kahit nasa tahanan
lang ang negosyo, kailangan pa ring kumuha
ng business permit upang magkaroon ng legal
identity. Kumuha nito sa inyong munisipyo
o barangay. Lumapit sa Home Owner’s Association
para sa mga requirements at iba pang prosesong
dapat sundin kung ang bahay ay nasa loob
ng subdivision.
• Ihanda ang kakailanganing kapital. Ilista lahat
ng mga gagastusin para malaman kung magkano
ang kapital na magagamit. Maglaan din
ng contingency para sa mga biglaang gastusin.
• Mag-inventory. Alamin kung may mga bagay
na matatagpuan sa loob ng bahay na maaari
pang magamit upang hindi na bumili pa. Maaari
ring may mapagkukunan o mabibilhan sa mas
murang halaga.
• Magkaroon ng sistema sa negosyo. Maliit man
o malaki ang negosyo, kailangan pa rin nito
ng sistema upang maging maayos ang operasyon.
Magtalaga ng record keeping, costing, at presyo
ng produkto o serbisyo, at imbentaryo.
• Mag-aral ng manpower requirements. Madalas
na ang may-ari rin ang tauhan sa home-based
business. Gayunpaman, habang lumalaki
ang negosyo, nangangailangan ito ng iba
pang empleyado. Maging mapili sa pagkuha
ng tauhan dahil malaki ang magagawa
at maitutulong nila sa ikatatagumpay ng negosyo.
• Umisip ng mga oportunidad kung paano
makikilala ang negosyo. Kahit home-based
lang ang negosyo, hindi dapat mawala
ang marketing effort. Ito ang magiging life force
ng negosyo kung kaya dapat mas magkaroon
ito ng malaking impresyon sa magiging
mga mamimili.
• Alamin ang oras na magugugol sa negosyo.
Linawin ang oras na itatakda para sa negosyo
upang maipalam at maipaintindi rin
sa mga kasama sa bahay.
by aimee | Sep 3, 2013 | Features, Local News / Bohol Balita
Iba’t iba ang halaga ng kinikita ng bawat indibidwal.
Ang ilan ay nakatatanggap ng malaking halaga
o higit pa sa pangangailangan. Samantala, ang iba
naman ay maliit at sapat lamang o kulang pa
sa pang-araw-araw na gastusin.
Narito ang ilang mga paraan para sa tamang paghawak
ng pera:
• Pagpaplano sa paggamit ng pera. Lahat tayo
ay konsyumer. Anuman ang makita natin
na sa ating palagay ay kailangan natin ay ninanais
nang bilhin. Sa aspetong ito, maging mapanuri
sa pag-alam kung ang bibilhin ay pangunahing
pangangailangan o kagustuhan lamang natin.
• Alamin ang mga ginagastos at pumapasok
na pera. Alamin kung ilan ang natatanggap
kada buwan at tukuyin ang mga permanenteng
gastos sa bawat araw. Mahalaga ito upang
mabantayan kung saan nailalaan ang kinita
at kung ito ba ay nagagamit sa mas
kapaki-pakinabang na bagay kaysa sa mga
di-gaanong mahahalagang bagay.
• Mag-impok. Bago pa man gamitin ang regular
na sahod o anumang kita, itago na ang ilang
bahagi nito para sa ipon.
• Ilagak ang ipon sa bangko. Higit na makabubuti
na magbukas ng isang savings account upang
mapanatiling ligtas ang pera. Maaari pa itong
magkaroon ng interes.
• Gamitin ang pera sa paraang produktibo. Tiyakin
na ang ipon ay nakalaan lamang para sa oras
ng kagipitan. Pinapayong dapat may ipon na
katumbas ng anim na buwan na sweldo para
sa emergency fund. Kung ito ay gagamitin para
sa investment o pamumuhunan, nararapat din
na sumali sa mga libreng trainings o seminars
bago gamitin ang ipon.
• Dagdagan ang kaalaman. Makinig sa radyo;
manood ng telebisyon; o magbasa ng anumang
babasahin tulad ng pahayagan, libro, o magasin
tungkol sa mga usaping pinansiyal.
by aimee | Sep 3, 2013 | Features, Headlines
Hindi natin matitiyak kung kailan magaganap
ang bagyo bagaman may mga ibinibigay na babala
ang mga ahensya ng gobyerno. Higit sa lahat, hindi
natin masasabi kung ano ang maaaring maging dulot
nito tulad ng matinding baha at pagkasira
ng ating mga ari-arian. Narito ang ilang mga paraan
ng paghahanda anumang oras kinakailangan.
• Iwasan ang panic buying. Huwag makipagsiksikan
sa mga tindahan o supermarkets sa mga ganitong
panahon. Ugaliin ang unti-unting pag-iimbak
ng mga de-lata at iba pang pagkain na matagal
ang petsa ng pagkasira o expiration. Dagdagan
ang mga binibili na maaaring itago at magamit
sa oras ng pangangailangan.
• Ihanda ang iba pang kagamitan. Maliban sa mga
pagkain tulad ng bigas, noodles, at de-lata,
magtabi rin ng mga emergency supplies
gaya ng baterya ng flashlight, gas, kandila, banig,
at kumot. Tiyakin na madali rin itong madadala
sa biglaang paglikas mula sa inyong lugar.
• Abangan lagi ang mga anunsiyo o alerto.
Mahalaga na abangan ang mga balita at babala
sa anumang uri ng komunikasyon upang malaman
ang mga dapat gawin at kung ligtas pa
ang inyong lugar o nararapat nang lisanin
ito pansamantala.
• Magkaroon ng listahan ng emergency telephone
numbers. Ilagay ito sa tabi ng inyong telepono
pati na rin sa inyong cellphone o sa anumang lugar
na alam ng bawat miyembro ng pamilya. Tawagan
ang mga ito kung nais humingi ng tulong sa mga
pampublikong ahensya at pribadong grupo
o magbigay ng impormasyon laban sa mga
mapagsamantalang tindahan.
• Alamin ang istruktura ng inyong tirahan. Upang
maiwasan ang kapahamakang dulot
ng masamang panahon, tiyakin na matibay
ang pagkakagawa ng inyong bahay. Bumili
ng mga materyales na pasado sa quality
standards. Bago pa man dumating ang tag-ulan,
alamin kung may mga dapat kumpunihin
o higit na pagtibayin pa sa inyong tahanan.
• Pumili ng lugar na pagtatayuan ng bagong bahay.
Alamin kung saan mas ligtas magtayo ng inyong
tirahan. Ang tabi ng mga bundok ay malapit sa
mga sakunang dulot ng landslides. Samantala,
ang mga mabababang lugar naman ay madaling
binabaha. Suriing mabuti ang lugar.